Logo
Print
TROPICAL CYCLONE WARNING FOR AGRICULTURE
TCWA NO. 2 – TROPICAL STORM “MARIO”
INILABAS ALAS 11: NU SETYEMBRE 19, 2014    MAY BISA HANGGANG ALAS 11:00NG MAMAYA


ANG TROPICAL STORM “MARIO” AY NANATILI SA KANYANG LAKAS AT TUMAMA SA KALUPAAN NG DULONG HILAGA NG CAGAYAN.

LOKASYON:
 64  KM HILAGA HILAGANG SILANGAN NG TUGUEGARAO CITY.

COORDINATES:
 17.8°N, 122.3°E


TAGLAY NA LAKAS NG HANGIN:
85 KBO MALAPIT SA GITNAmario2
PAGBUGSO:
100 KBO

PAGKILOS: KANLURAN HILAGANG KANLURAN SA BILIS NA 22 KBO

TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
:

SABADO NG UMAGA:
190 KM HILAGANG KANLURAN NG ITBAYAT, BATANES.

LINGGO NG UMAGA:
680KM HILAGA NG ITBAYAT, BATANES O SA LABAS NA NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY.


BABALA NG BAGYO BLG 2 (61 KBO – 100 KBO BILIS NG HANGIN NA INAASAHAN):

CAGAYAN KASAMA NA ANG CALAYAN, BABUYAN AT MGA ISLA NG BATANES, ISABELA, KALINGA, APAYAO, MT. PROVINCE, ABRA AT ILOCOS NORTE

 PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA MAY SIGNAL BLG.2

·         LINISIN ANG LAGUSAN NG TUBIG BAHA, BAWASAN NG DAHON ANG MGA PUNONG SAGING; BAWASAN ANG MGA SANGA NG PUNO; IWASAN MUNA PUMALAOT O MANGISDA SA ILOG AT KARAGATAN; MAGHANDA NG PAGLIKAS O LUMIKAS KUNG KINAKAILANGAN, SIGURADUHIN ANG KALIGTASAN NG BUHAY

BABALA NG BAGYO BLG 1 (30 KBO – 60 KBO BILIS NG HANGIN NA INAASAHAN):

AURORA, QUIRINO, NUEVA VIZCAYA, IFUGAO, BENGUET, ILOCOS SUR AT LA UNION



PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA MAY SIGNAL BLG.1

ANIHIN AGAD ANG MGA HINOG NA PANANIM, MAGLAGAY NG PROTEKSYON SA MGA PANANIM; TIBAYAN ANG MAHINANG PUNDASYON NG BAHAY O KAMALIG; SIGURADUHING LIGTAS ANG MGA ALAGANG HAYOP AT PAGHANDAAN ANG ANUMANG EMERGENCIES



AGRI-PANAHON:

ANG MGA  LALAWIGAN NG CAGAYAN KASAMA ANG MGA ISLA NG CALAYAN AT BABUYAN, ISABELA, KALINGA, MT. PROVINCE, ABRA, ILOCOS NORTE AT APAYAO AY MAKAKARANAS NG MASUNGIT NA PANAHON. ANG MGA LALAWIGAN NG AURORA, IFUGAO, NUEVA VISCAYA, ILOCOS SUR, BENGUET, QUIRINO, LA UNION AT BATANES AY MAGKAKAROON NG PAG-ULAN NA MAY PAGBUGSO NG HANGIN. SAMANTALA, ANG  METRO MANILA AT NATITIRANG BAHAGI SA LUZON AY MAKAKARANAS NG MAULAP  NA KALANGITAN NA MAY KATAMTAMAN HANGGANG SA MALAKAS NA  PAG-ULAN. ANG KABISAYAAN, AY MAGKAKAROON NG MAULAP NA KALANGITAN NA MAY MAHINA HANGGANG SA KATAMTAMANG PAG-ULAN AT PAGKIDLAT-PAGKULOG. ANG MINDANAO NAMAN AY MAGIGING BAHAGYANG MAULAP NA MAY PULU-PULONG MGA PAG-ULAN O PAGKIDLAT – PAGKULOG.

KATAMTAMAN HANGGANG SA MALAKAS NA HANGIN MULA SA HILAGANG KANLURAN HANGGANG TIMOG-KANLURAN  ANG IIRAL SA KATIMUGANG LUZON, KABISAYAAN AT MINDANAO AT  MULA SA  HILAGANG SILANGAN HANGGANG HILAGANG KANLURAN SA NALALABING BAHAGI NG LUZON.  


PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO:

1.        PATULOY LAMANG SA PANG-ARAW ARAW NG GAWAING BUKID  NA MAY PAG-IINGAT LALO NA SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG BAGYO  NA MAARING MAGDULOT NG MGA PAGBAHA AT PAG-USOS NG LUPA;

2.        PANGALAGAAN ANG MGA ALAGANG HAYOP; AYUSIN AT TIBAYAN ANG MGA BAHAY-BUKID; I-IMBAK ANG MGA ANI SA MATATAAS, TUYO  AT LIGTAS NA LUGAR;

3.        LINISIN ANG MGA KANAL AT IBA PANG DALUYAN NG TUBIG ULAN;  BANTAYAN, AYUSIN AT KONTROLIN ANG TAAS NG TUBIG SA MGA PALAISDAAN AT PATUBIGAN

4.        GUMAWA NG MGA KANAL PARA IPUNAN NG TUBIG O “SMALL IMPOUNDING RESERVOIR” UPANG MAY MAGAMIT NA TUBIG SAKALING MAG KAROON NG KAKULANGAN.





INIHANDA NINA: DTB / SCF / MAM / DPO/ RMM / ACC  




                                                                                          “tracking the sky …….helping the country”